Isinusulong ng mga kongresista ang pagpapawalang-saysay sa RA 10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 o RH Law.

Naghain sina Reps. Jose L. Atienza, Jr. (Buhay Party-list), Ferdinand Martin G. Romualdez (Leyte 1st District), Jonathan A. Dela Cruz (ABAKADA Party-list), Aleta C. Suarez (Quezon 3rd District), Victor C. Ortega (La Union 1st District), Philip A. Pichay (Surigao del Sur 1st District) Diosdado Macapagal Arroyo (Camarines Sur 2nd District) at Lani Mercado-Revilla (Cavite 2nd District) ng House Bill 5373 upang makatulong sa problema sa matinding kahirapan na dinaranas ng maraming pamilyang Pilipino.

Ipinaliwanag ni Suarez na itinuturing ng mga nagsusulong ng RH Law na ang patuloy na paglobo ng populasyon ang dahilan ng kahirapan sa bansa.

“They are conveniently forgetting the fact that it is our growing population of overseas Filipino workersand their billions of dollars in remittances that is keeping our country’s economy afloat,” ani Suarez.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, sinabi ni Atienza, dating alkalde ng Maynila, na dapat palakasin ng gobyerno ang magagandang value ng kabataang Pilipino sa halip na ituro ang paggamit ng contraceptives.