BAGUIO CITY - Naisampa na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property laban sa may-ari ng sasakyan na nakasagasa at nakapatay sa isang estudyante habang tumatawid ito sa pedestrian lane sa harap ng Saint Louis University sa lungsod na ito noong Pebrero 11.

Nabatid kay Supt. Evelino Degay, hepe ng Baguio City Police-Traffic Management Unit, na bukod sa homicide ay kinasuhan din si Afdanih Mamosaca Macawali, 33, ng paglabag sa Section 55 ng RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code) at paglabag sa City Ordinance 07-2010 (mandatory stop upon approaching pedestrian lane).

Pebrero 20 nang isampa sa City Prosecutor’s Office ang nasabing kaso ng complainant na si Fernando Tacis, 45, ama ng nabiktima ni Macawali na Raymond Ray Javier Tacis, 21, estudyante. - Rizaldy Comanda

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina