“I will always tell the truth.”

Ito ang iginiit ni  Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na aniya’y pawang katotohanan lamang ang kanyang inilalahad batay na rin sa kanyang nalalaman sa operasyon ng Mamasapano.

 

Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Roxas na ‘di niya ililihis ang anumang kasagutan na dapat niyang ilahad sa komite at kung ano ang tanging alam nila sa pangyayari.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

 

“I have been and always will tell the truth,” ayon  kay Roxas sa panggigiit ni Senator Nancy Binay na dapat ay katotohanan lamang ang sabihin niya kung sino ang may responsibildad na magsabi kay Pangulong Benigno Aquino III.

 

Pinaliwanag pa ni Roxas na simula pa ay alam naman ng lahat na wala silang kinalaman ni acting Philippine National Police  (PNP) Chief Deputy Director Leonardo Espina sa Oplan Exodus.

 

“I did not in anytime commit what your are implying in your statement,” ayon kay Roxas.

“Masasabi lang namin sa Pangulo kung ano lang ang nalalaman namin,” dagdag pa ni Roxas

Una nang inamin ni dating PNP Director General Alan Madrid Purisima na siya ang nagsabi kay Pangulong Aquino sa operasyon at sadya niyang hindi pinaalam ang operasyon kina Roxas at Espina.

Si Roxas din ang nagsabi na mali ang natanggap na impormasyon ni Pangulong Aquino, batay na rin sa lumalabas sa imbestigasyon na inayunan din ng ilang mga senador.

Subalit para kay Senator JV Ejercito, malinaw na nililihis ang isyu at ipinagtatanggol lamang si Pangulong Aquino.

Lumabas din sa pagdinig na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang may kontrol sa pagawaan ng improvised explosive devices (IED) at hindi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Miriam Coronel–Ferrer, chief government peace negotiator, ito ang lumalabas sa kanilang imbestigasyon na taliwas naman sa sinasabi ni Senator Alan Peter Cayetano.

“Gun-making factory, no. The full report is not yet available. It will be submitted to us formally. But there was an IED-making facility owned by the BIFF in this particular sitio in Maguindanao,” ayon  kay Ferrer.