Paris (AFP)– Nalaglag sa ikaapat na puwesto si Rafael Nadal sa huling ATP Rankings na inilabas noong Lunes matapos na matalo sa semifinal sa clay sa loob ng 12 taon.

Ang ikatlong puwesto na dating inookupahan ni Nadal ngayon ay napapunta kay Andy Murray, huling nasa aksiyon nang matalo ito sa quarterfinals sa Rotterdam 10 araw na ang nakararaan.

Ito ang unang pagkakataon na hindi napasama sa top three si Nadal mula noong Agosto 2013.

Si Novak Djokovic, na pangungunahan ang Dubai Open ngayong linggo, ay napanatili ang kanyang pagkakahawak sa rankings sa unahan ni Roger Federer.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador