KRIS-WITH-BIMBY-AND-JOSH-copy-461x500

NALAMAN namin sa taga-Star Cinema na ngayong araw ang story conference para sa pelikulang gagawin nina Bimby Aquino Yap at Jana ‘Baby’ Agoncillo. Tuloy na tuloy na talaga ang pelikulang pagsasamahan ng dalawang bagets

Itinanong namin ito kay Kris nang makausap namin siya sa telepono kahapon dahil mapapaaga yata ang shooting kung pang-Metro Manila Film Festival ito.

“Actually, wala pang definite playdate, Reggee, presentation pa lang naman, so doon pa lang namin malalaman kung paano. Ang alam ko, hangga’t hindi tapos ang Dream Dad hindi mag-i-start ng shooting kasi hindi naman puwedeng lumagare si Jana,” sabi ng Queen of All Media.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Dahil sa movie project, parati na raw pinapanood ni Bimby ang Dream Dad.

“Yes, Bimby and Kuya Josh with the yayas always watching na Dream Dad, it’s a must so that Bimby get familiarize with Baby. Gusto nila ang story,” masayang kuwento ni Kris.

Hayan, nadagdagan na pala ng viewers ang Dream Dad dahil kay Baby.

“Maganda ‘yung baby girl,” say pa ni Kris.

At okay na rin pala sa Star Cinema big boss na si Ms. Malou Santos na on-hold muna ang pelikula nina Kris at Derek Ramsay (co-prod with Regal Films) dahil mas gusto muna ng mama ni Bimby na bantayan siya sa shooting.

“Basta ang sabi ko kay Tita Malou, Bimby is my priority now that Gerbel is getting married in September, and the new yaya naman will be trained muna. So, stage mom ako talaga, kaya after KrisTV, diretso naman ako sa shooting ni Bimb kung sakali kasi siya rin naman after class pa siya puwedeng mag-shoot din,” kuwento ng proud mama ni Bimby.

Payag si Ms. Malou na unahin ang pelikula nina Bimby at Jana dahil nga may time frame.

“Oo, mabilis lumaki ang mga bata ngayon. At ang request ko, sana, Direk Jeffrey Jeturian kasi sanay na siyang humawak ng bata. Di ba sa Be Careful (With My Heart) o kaya si Direk Cathy Garcia-Molina. Sabi ko nga kay Tita Malou, ‘Siguro naman deserving naman ng anak ko na mag-Cathy Garcia-Molina siya,’ so, wait lang daw kasi kung sino ang available sa dalawang directors,” kuwento pa ni Kris.

Natatawa pang dagdag ng TV host, umiiyak si Bimby kasi nga aalis na ang Yaya Gerbel niya.

“Naawa nga ako kasi siyempre feeling niya na iiwan siya, ilang taon niyang kasama si Gerbel, ‘tapos naghiwalay pa kami ng papa niya (James Yap), so alam mo ‘yung feeling, Reggee?

“Nakakatuwa nga si Kuya Josh, bulong niya kay Gerbel, ‘Don’t tell him that you’re getting married, it’s our secret’, eh, alam naman ni Bimb.

“Kaya sabi ko kay Bimb, habang tini-train pa ang new yaya, I will pick him up sa school. Sabi niya, ‘why don’t you bring me to school?’ Sabi ko, ‘I can’t wake-up early, honey, I’ll just pick you up.’

“’Tapos sabi niya, ‘it’s okay, Yaya Gerbel is getting married, you’re not going to get married because you don’t have a boyfriend, and I don’t like it, it’s just me and you, mama.’ O, di ba, so isipin mo, Reggs, walang kawala, di ba?” tumatawang kuwento ni Kris sa kabilang linya.

Kinulit tuloy namin siya kung talagang nga bang wala siyang inspirasyon o boyfriend ngayon dahil blooming siya sa The Buzz noong Linggo at sa Aquino & Abunda episode noong Lunes.

“Naku, Reg, wala!” mabilis niyang sagot.

Tinanong din namin siya sa pahayag niya na hindi talaga niya papasukin ang pulitika at nabanggit pa na soon ay magreretiro na siya sa showbiz at aasikasuhin na lang niya ang mga negosyo niya.

“Si Ate Guy (Nora Aunor) kasi, tinanong ako, so sinabi ko talaga, hindi, at wala talaga pa sa plano ko, Reggee,” sagot sa amin.

Inusisa rin namin siya sa pagpapagamot at pagpapaopera sa lalamunan ni Ate Guy na sasagutin nila ni Boy Abunda para maibalik na ang magandang boses nito at makapag-concert na tulad ng pangarap nito, pero hindi nagbigay ng detalye ang Queen of All Media.

Samantala, hindi lang pala branches ng Jollibee at Chow King ang expansion ng business niya kundi may chain of fine dining restaurants din siyang papasukin.

Ito na ang ultimate dream ni Kris ngayon, magtayo ng food empire.

“Ayoko namang i-claim ‘yung iba kasi hindi naman ako ang major investor doon, 30% pa lang naman ang investments ko sa iba, pero sa Chow King at Jollibee, major investor ako and hopefully, by October bubuksan na ‘yung sa NLEX (North Luzon Expressway) kaya happy ako,” pagtatapat ni Kris.

Itinanong din namin ang isinosyo niya sa LBR taxi ni Luis Manzano at ng mga kaibigan nito na halatang-halata kung aling units ang pag-aari ni Kris dahil may guhit na kulay pink. Marami nang kulay pink na LBR taxi kaming nakikita sa lansangan kaya tinanong namin si Kris kung ilang units na ang pag-aari niya.

“I haven’t checked,” kaagad niyang sabi.

Hindi niya kami sinagot kung nagdagdag na siya ng units sa sinumulan niyang 100 units noon, tama ba, Bossing DMB?

(One hundred units pala ‘yun? Hindi ko alam, ha-ha-ha! –DMB)

Pinagkakaabalahan din ngayon ng Queen of All Media ang kanyang website na sobrang dami raw ang nagpi-place ng ads kaya naaliw siya.

“Isa ito sa inaayos ko, Reggee kasi malakas and magandang negosyo ito, di ba?” masayang sabi ni Kris.

Samantala, nilinaw niya ang nabalitang wala siyang panahong dumalaw dahil busy kay Jam Sebastian, ang lung cancer patient na nakilala bilang Jamich sa YouTube kasama ang girlfriend niya.

Humiling kasi si Jam na dalawin siya nina Vice Ganda at Kris ayon na rin sa kuwento ng mama ng binata na si Gng. Maricar Sebastian.

Ang GGV host lang ang nakadalaw na nalathala nga kamakailan at ang Kris TV/The Buzz/Aquino & Abunda Tonight host ay hindi pa nakapunta.

“Actually, Reggs, supposedly sabay kami ni Vice, pero on that week, I have six TVC to shoot and the following day, it’s Chow King naman, so kinuha ng Chow King ang ilang araw and the following day ‘yun naman ‘yung may party sa bahay at kinabukasan ay paalis na kami for Japan for my birthday week vacation,” kuwento ni Kris nang tanungin namin kahapon.

Bukod sa TVC shoots ay nag-advance taping pa siya ng Kris TV kaya totoong natapat na busy siya at hindi dahil ayaw niyang dumalaw.

Ngayong umuwi na si Kris ay sunud-sunod uli ang tapings niya, “Like now, nandito ako sa tapings ng Kris TV,” kaya agad na kaming nagpaalam dahil ramdam naming busy ang TV host.

Pero binanggit naman ng kampo ng Queen of All Media na na may inihahandang tulong si Kris para kay Jam.