Ipiprisinta ng magkapatid na Alex at Miko Eala, mga nangungunang boys at girls junior netter ng bansa, ang gaganaping ITF World Junior Tennis Competition sa Pebrero 26 hanggang Marso 3 sa Sarawak Lawn Tennis Centre sa Kuching, Malaysia.
Ang magkapatid na Eala, na madalas tanghaling kampeon sa mga ranking tournament sa bansa, ay nakuwalipika sa torneo na isang Asia/Oceania Pre-Qualifying event bunga ng kanilang mataas na natipong puntos at manguna sa mahigit libong juniors tennis player sa Pilipinas.
“We will do our best,” sinabi ng 14-anyos na si Alex na lalahok sa boys at nakababatang kapatid na si Miko na sasabak naman sa girls division.
Tampok sa ITF World Junior Tennis Competition event ang 11 koponan sa boys’ at 7 sa girls na pag-aagawan ang dalawang silyang itinakda sa Final Qualifying event na gagawin naman sa Bangkok, Thailand sa Abril 20 hanggang Mayo 2.
Binubuo ngayon ang Asia/Oceania pre-qualifying event ng kabuuang 13 bansa kung saan ay lalahok sa unang pagkakataon ang Nepal sa kasaysayan ng ITF World Junior Team Competition.