Naapektuhan umano ang katayuan ng mga sundalo na patuloy na sinisisi kaugnay sa madugong labanan sa Mamasapano, Maguindanao kung saan ay 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang namatay noong Enero 25.

Ito ang sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gregorio Catapang hinggil sa umano’y pagkakaroon ng pagkukulang ng mga sundalo sa pagkamatay ng 44 tauhan ng PNP-SAF sa bakbakang nangyari sa Mamasapano.

Mariing tinututukan ng mga sundalo ang report na nagkaroon ng pagkukulang sa AFP gayun hindi naman sila kasama sa Operation Exodus.

Ipinahayag ni Catapang ang saloobin matapos ang kanyang ginawang pag-iikot sa iba’t ibang units ng military.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

“Bakit ang militar ang sinisisi sa pagkamatay ng mga pulis samantalang may kasama silang 300 na walang nagawa nang makipagbarilan sa MILF at BIFF?” ayon kay Catapang.

Sinabi ni Catapang na magmula sa platoon leaders, company commanders, battalion commanders at brigade commanders ay naging bahagi ng rescue operations noong Enero 25.

Ayon kay Catapang ang tinatawag na Chain of Command sa Armed Forces ay batay sa pagkakasunod na level ng commanders magmula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa na binibigyan ng kautusan at tinatawag na command channel.