MIAMI (AP)– Alam ni Goran Dragic at ng Miami Heat na kakailanganin ng oras para masanay siya sa kanyang bagong tahanan.

Ngunit tila tatlong araw lamang ang ipinaghintay nito.

Si Luol Deng ay 11-of-14 sa kanyang mga pagtatangka at gumawa ng 29 puntos, nagdagdag si Dragic ng 23 puntos at 10 assists at nagtala ang Heat ng season-high sa scoring sa kanilang 119-108 panalo laban sa Philadelphia 76ers kahapon.

‘’I know my game now,’’ sabi ni Deng, na nakaiskor ng 20 o higit pa sa walong laro ngayong season, at ang Miami ay 8-0 sa mga nasabing laro. ‘’I don’t try to do too much with the ball. As long as the ball moves, we’re a better team. We’re at our best when the ball is moving.’’

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Puno ng magagandang balita ang araw para sa Miami. Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra, bago ang laro, na si Chris Bosh, na mayroong pamumuo ng dugo sa baga, isang season-ending issue, ay uuwi na anumang araw mula ngayon mula sa ospital na pinagdalhan sa kanya mula noong nakaraang linggo.

Gumawa si Dwyane Wade ng 18 para sa Heat, na nanatili sa No. 7 spot sa Eastern Conference. Nagdagdag si Hassan Whiteside ng 12 puntos at 14 rebounds para sa Miami, na nagtala ng 55 porsiyento.

‘’Guys were starting to feed off each other, moving the ball,’’ ani Spoelstra. ‘’It’s something we talked about endlessly the last few days.’’

Umiskor si Hollis Thompson ng 22 puntos para sa Philadelphia, na nakakuha ng 18 mula kay Nerlens Noel, 16 mula kay Robert Covington, 12 mula kay Henry Sims at 11 mula kay Isaiah Canaan.

Na-outrebounded ng Miami ang Philadelphia, 45-33, at pinagpahinga sina Whiteside at Wade sa kabuuan ng fourth quarter.

‘’That’s not who we are,’’ pahayag ni 76ers coach Brett Brown. ‘’That’s not even close to who we are. You are not beating anyone giving up 120 points.’’

Lamang ang Philadelphia sa 67-61 sa pagsisimula ng third period, ngunit na-outscore sa 30-12 sa huling 9 minuto ng nasabing quarter.

Nagtambal sina Dragic at Deng para sa 20 puntos sa ikatlong yugto.

‘’We pride ourselves on playing defense and we’ve been pretty good at playing defense until this last couple of games,’’ sabi ni Noel. ‘’That’s what cost us the game.’’

Ito ang ikalawang laro ni Dragic para sa Heat, at mas naging maganda ang mga bagay-bagay para sa kanya kumpara sa debut niya noong Sabado laban sa New Orleans.

‘’He’s picked up the offense fast and how to play with guys fast,’’ sambit ni Wade. ‘’He’s only going to get better.’’

Resulta ng ibang laro:

New Orleans 100, Toronto 97

Chicago 87, Milwaukee 71

Houston 113, Minnesota 102

Brooklyn 110, Denver 82

Boston 115, Phoenix 110

Utah 90, San Antonio 81