Daniel-Padilla-copy1-412x500

IBINALITA sa amin ni Ms. Tess Gubi ng Star Magic na nominado ang pinakasikat na young actor ngayon na si Daniel Padilla bilang Favorite Asian Act sa 2015 Nickelodeon Kids Choice Awards.

Tuwang-tuwa siyempre hindi lang si Daniel kundi pati na ang mga taong namamahala ng career niya at lalo na siyempre ang Star Magic.

Kapwa nominado ni Daniel sa naturang kategorya ang JKT48 mula sa Indonesia, si Jinny Boy ng Malaysia at ang taga-Singapore na si Tosh Zang.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Ang ibang notable nominees sa ibang kategorya ay sina Arianaq Grande, Bruno Mars, 5 Seconds of Summer, Cameron Diaz, Hugh Jackman, Jennifer Lawrence at si Angelina Jolie.

Ang ilan sa mga Pinoy na dating nagsipagwagi sa Nickelodeon Kids Choice Awards ay sina Charice Pempengco, Sarah Gernimo at Anne Curtis.

Kasabay nito ay humingi ng dalangin at suporta ang Star Magic para kay Daniel dahil nag-umpisa na ang botohan sa nasabing pakontes na sa March 30 ang announcement ng winners.

Samantala, walang dudang si Daniel na nga ang Teen King at wala nang iba pa at kung may pumapangalawa man sa kanya ay malayung-malayo ang distansiya. Sa totoo lang, saksi kami kung paano nagtiyagang naghintay ang mga tao kay Daniel sa isang event na siya ang special guest at para rin sa promo ng pelikulang Crazy Beautiful You.

Papasok pa lang sa entablado at anino pa lang ng aktor ang naaaninag ay grabe na ang hiyawan at sigawan ng fans. Ang inakala namin noon ay exaggerated lang ang mga kuwentong naririnig, totoo pala talaga. Parang kung anong icon si Daniel kung ituring ng kanyang mga tagahanga, huh!