Sinugod kahapon ng mga militanteng grupo ang ancestral house ni Pangulong Benigno s. Aquino III sa Times Street sa Quezon City upang maglunsad ng kilos-protesta isang araw bago ang ika-29 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Miyerkules.

Pero bago pa makalapit ang mga raliyista ay hinarang na sila ng mga pulis na nakapuwesto sa lugar.

Inabot ng mahigit isang oras ang programa ng mga raliyista malapit sa bahay ng pamilya Aquino.

Panawagan ng grupo na magbitiw na sa puwesto ang Pangulo dahil na rin sa palpak na operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na pulis noong Enero 25, 2015.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists