Ai-Ai-Delas-Alas-copy-365x500

SA susunod na buwan ay matatapos na ang kontrata ni Ai Ai delas Alas sa ABS-CBN.

Wala nang magaganap na negosasyon ang Kapamilya network para sa renewal of contract ng komedyana dahil desisido na nga siyang lisanin ang Dos.

Nag-ugat ang hinanakit ni Ai Ai sa naging takbo ng usapan sa isang pakikipag-meeting niya sa mga taga-Star Cinema na sa kanya ibinunton ang sisi sa hindi raw gaanong pagkita ng pelikulang Past Tense na pinagbidahan niya kasama ang magkasintahang sina Kim Chiu at Xian Lim.

National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'

Siyempre, umalma si Ai Ai.

Kaya ang latest, ayon sa isang malapit sa management ni Ai Ai, tuloy na tuloy daw ang paglipat ng komedyana at malamang ay sa Kapuso Network ito pipirma ng exclusive contract.

Banggit pa ng source naming, kahit nga raw wala pang kontrata na pinipirmahan si Ai Ai sa Siyete ay may ipiniprisinta na ang GMA management na gagawing proyekto niya sa kanila.

Isang naiibang “cooking show” raw ito na malamang ay tuwing umaga mapapanood, huh!

The same source told us na may kumakausap na rin kay Ai Ai mula sa GMA-7 na tutulungan siya sa plano niyang pagkakaroon ng concert bilang kapalit ng kanyang naunsiyaming Valentine show.