BAMBAN, Tarlac – Sampung fighting cock, na ang walo ay sinasabing ganador sa sabungan, ang napagtripang tangayin ng mga hindi nakilalang kawatan sa Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, kahapon ng umaga.

Ang mga manok ay pag-aari nina Marlon Bautista, 39, may asawa, na natangayan ng walong sasabungin na nagkakahalaga ng P16,000; at Carlos Tangal, nasa hustong gulang, na natangayan ng dalawang sasabungin na nagkakahalaga ng P4,000.

Sa imbestigasyon ni PO3 July Baluyut, nangyari ang pagnanakaw sa pagitan ng 1:30 ng umaga at 6:00 ng umaga.
Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City