GERONA, Tarlac - Muli na namang nakaaresto ng hinihinalang drug pusher ang mga kasapi ng tracker team ng Gerona Police, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion 3 sa Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Artem Balagtas ang naarestong si Richard Domingo, 35, ng Bgy. Tagumbao, Gerona, na sinasabing nasa drug watch list ng Gerona.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at P500 marked money.

Habang iniimbestigahan, muling nakakuha mula kay Domingo ng dalawang transparent plastic sachet na may 0.4 gramo ng nasabing droga.
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol