Sunshine-copy-363x500

DUMEPENSA ang brother ni Cesar Montano na si Jing Manhilot para isiwalat ang ilang nalalaman sa nagkahiwalay na mag-asawang sina Cesar at Sunshine Cruz.

Sa kanyang interbyu sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, aminado si Jing na very much in love pa rin daw ang Kapamilya actress sa kanyang kapatid. Ang nararamdaman pang ito raw ni Sunshine kay Cesar ang nag-udyok para kasuhan nito ang ex-husband ng Violence Against Women and Children.

Matatandaang nag-file si Sunshine sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa dating asawa at cited sa complaint ang lewd action na nakita ng kanilang tatlong anak na babae noong mag-sleep-over ang mga anak sa kanyang bahay last November, 2014.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Hindi nga lang tinalakay ang said issues sa The Buzz, due to it’s sensitivity.

Kaya’t paniwala ni Jing, “Deep inside very conservative itong kapatid ko lalo na sa mga anak niya. Tigilan na ang mga kabulastugan na ‘yan. Sinisira mo rin ang sarili mo kasi walang asawang babae ang magbibigay ng ganyang pahayag, totoo man o hindi, sa publiko. Kung may natitira pang sense of decency definitely hindi po totoo ‘yan. Isa po itong malaking kabulastugan.”

Kung may ibang dahilan kung bakit pursigido si Sunshine sa kasong isinampa sa kapatid, ani Jing, “Nababagabag na yata si Shine kasi nasa social media na rin na nakikita si Buboy at itong former beauty queen na laging magkasama sa mga circles. Eh, siya diumano ay extremely jealous about this recent development.”

Sinabi pa ni Jing na minsa’y naringgan niya ang aktres na sisirain daw nito si Cesar, anuman ang mangyari.

Ayon diumano sa nakalap na impormasyon ni Jing, very much in love pa rin daw si Shine sa kapatid.

“She was even quoted as saying, and take note, this is not coming from me, these are words coming from Sunshine by those people close to both of them na, sisirain n’ya ‘yong kapatid namin, both financially and career-wise, walang makikinabang kay Buboy kahit na sinong babae.”

Kumbaga, meron daw “fatal attraction” si Sunshine kay Cesar kaya ayaw nitong pakinabangan ng iba ang ex-husband.

Sa isang banda, mayroon ding rebelasyon ang lawyer ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer, isang napakahalagang dahilan kung bakit matapang nitong ipinaglalaban ang kaso ni Buboy?

“Noong October 30, 2014, nag-meeting kami together with Sunshine, we were supposed to finalize ‘yung property relations nilang mag-asawa.

“‘Yung kay Shine ‘binibigay na sa kanya ‘yung property sa may Quezon City. But she still wants that property at Valley Golf. Nagkaroon ng stalemate sa usapan ng properties, nagulat na lang kami na ito ang sagot. Tingnan mo naman ang timing at coincidence,” sey ng abogado ni Cesar.

Sa mensaheng ipinadala ni Cesar sa The Buzz, ipinagdiinan ng aktor na dapat daw ay hindi nadadamay ang kanilang tatlong anak sa usapin, aniya, “If you want the property you’ve been clamoring, then so be it. I have signed the compromise agreement giving you what you want,” ani Cesar.

“But do not and never, ever again drag our innocent daughters to settle our differences just to suit your own personal interest,” sabi pa ng aktor.

Sa panig naman ni Sunshine, mukhang walang makakahadlang sa kanyang ipinaglalaban. Harangan man siya ng sibat o tutukan man siya ng baril, wala na raw urungan.

Kaya ang ganting-mensahe niya sa The Buzz, “I filed this complaint to protect my daughters, they desire to be loved and to be raised properly. A loving mother would protect and fight for her children to the fullest,” pahayag ng aktres.