Pilipinas pa rin ang ikalawang pinakamalaking kumokonsumo ng sigarilyo sa Southeast Asia sa kabila ng pagpapatupad ng Sin Tax Law noong 2012 na nagtatakda ng mas mataas na buwis sa sigarilyo, kaya naman labis na tumaas ang presyo nito.

Ayon kay Emer Rojas, pangulo ng New Vois Association of the Philippines (NVAP), marami pa ring naninigarilyo sa bansa dahil pinalitan na ng kabataan ang mga adult smoker.

Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking tobacco consumer sa ASEAN kasunod ng Indonesia, at may 17.3 milyong Pinoy ang naninigarilyo, na karamihan ay nagsimula sa bisyo sa murang edad.

Dahil dito, iginiit ni Roxas na ang mga graphic warning, gaya ng mga litrato ng masamang epekto ng paninigarilyo sa mga pakete ng sigarilyo, ay makatutulong sa pagkumbinse sa mga naninigarilyo na tigilan na ang bisyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Over the years we have seen how tobacco companies increase their presence in Southeast Asia as it becomes more difficult for them to market their products in high-income regions. A big part of their strategy is to target the youth as replacement smokers for adults who fall ill and die of this habit,” ani Rojas.

Ayon sa Global Youth Tobacco Survey (GYTS), mahigit isa sa apat na Pinoy na edad 13-15 ay naninigarilyo; 17.5 porsiyento sa mga ito ay babae at 28.3 porsiyento ay lalaki.

Samantala, 55 porsiyento ng kabataang Pinoy ang lantad sa secondhand smoke sa bahay habang 65 porsiyento ang nakakukuha nito sa mga pampublikong lugar.