Naniniwala si Mexican four-division world champion Juan Manuel Marquez na mabigat na laban para kay WBC at WBA champion Floyd Mayweather Jr. ang welterweight unification bout kay WBO titlist Manny Pacquiao sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada.

Sa panayam ng programa sa telebisyon na El Golpe a Golpe sa Mexico City, iginiit ni Marquez na kapwa niya nakalaban sina Mayweather at Pacquiao kaya batid niya ang kakayahan ng dalawang boksingero.

Tinalo siya ng overweight na si Mayweather noong 2009 samantalang apat na beses silang naglaban ni Pacquiao na matapos ang dalawang talo at isang tabla ay umiskor siya ng panalo sa 6th round knockout noong 2012.

“We know that Manny Pacquiao is not at his best, but he is coming in with a lot of motivation, with a lot of hunger, but the level is not the same. After that big knockout in 2012, a fighter’s mind can change,” diin ni Marquez. “A big punch to the jaw and he can relive those moments of 2012. Hopefully this does not happen and it becomes a great fight for the fans who have waited, but in the end Floyd Mayweather and Manny Pacquiao are not at their best.”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Gayunman, sinabi ni Marquez na magandang magsagupa ang itinuturing na dalawang pangunahing pound-for-pound boxers sa buong mundo pero mapanganib ang laban kay Mayweather.

“I’m not saying they are not [great fighters]. Floyd Mayweather is considered the best pound-for-pound, followed by Manny Pacquiao, but what I am saying is they are not at their best - athletically speaking - because that fight should have happened three years ago - but it remains as an interesting fight that all of the fans want to see,” ani Marquez.

“It’s a very dangerous fight [for Mayweather], because he has not faced any opponent with the speed or aggression of Pacquiao, and in this case also with power. Mayweather has not faced an opponent with these characteristics,” dagdag ng Mexican na tumangggi na sa ikalimang pagharap kay Pacquiao.