Daniel-at-Karla-copy

BINULABOG ni Daniel Padilla ang Market Market mall sa Taguig City noong Linggo ng hapon para sa Lily’s Peanut Butterrrific Funday Sunday Inter-school event na si Chef Boy Logro ng GMA 7 ang special guest.

Maganda ang promo campaign na ito ng Lily’s Peanut Butter dahil isinasama nila ang mga estudyanteng kumukuha ng culinary course sa pagdiskubre ng mga lutuin na puwedeng isama bilang ingredients ang nasabing produkto.

Kasama ni Daniel bilang endorser ng Lily’s Peanut Butter ang inang si Karla Estrada pero hindi nakarating dahil kasalukuyan itong naglilibot sa Europa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Wala si Mama, namamasyal sa Europe kasama ang friends niya, mapera na si Mama, businesswoman ‘yun,” pambubuko ng aktor nang makatsikahan namin ilang saglit bago umakyat sa stage para kumanta.

Nagpapasalamat si Daniel sa lahat ng tumatangkilik sa lahat ng projects nila ni Kathryn Bernardo katulad ng pelikulang ipalalabas na bukas (Miyerkules), ang Crazy Beautiful You at sa lahat ng endorsements niya na talagang binibili ng supporters nila.

Samantala, bago kami nakapasok sa standby area ng aktor sa ilalim ng stage ng Market Market ay katakut-takot na paghihintay ang inabot ng entertainment press dahil sobrang higpit ng namamahala sa production at ipinaiiwan pa ang mga bag namin dahil may nanggulo raw na fan.

Kaya nagkaroon pa ng sagutan sa pagitan ng mga katoto at sa mga taong namamahala sa production dahil akala nila ay makiki-meet and greet rin kami.

“Pasensiya na po, hindi kami na-inform na press kayo, akala namin fans kayo,” sabi ng humawak ng event.

Hanggang sa pinatuloy na kami pero bigla namang pinutol ang pila namin dahil hindi raw puwedeng sabay-sabay ang pagpasok sa kuwarto ni Daniel.  Nakakaloka, Bossing DMB, hindi organized at hindi na-brief ang mga taong humawak ng event at nagtuturuan pa kung ano ang gagawin nila.

First time ba nilang humawak ng event ng malaking artista kaya pati sila ay nawiwindang at stars struck kay Daniel Padilla?

Nakakairita lang dahil sa rami na ng events sa mall na pinuntahan namin ay itong event ng Lily’s Peanut Butter ang pinakamagulo kasi nga hindi organisado ang mga taong kinuha para sa event, parang mga baguhan.

Puring-puri pa naman namin ang mga may-ari ng Lily’s Peanut Butter na sina Mr. and Mrs. Pua dahil nakapa-warm nila sa launching ng produkto para kina Karla at Daniel.

At higit sa lahat paborito namin noon pang bata kami ang Lily’s Peanut Butter dahil ito lang naman ang usong peanut butter noon bukod sa nabibiling tingi-tingi, bukod pa sa hinahalo ito sa kare-kare.

At dahil marami nang variants ngayon ang Lily’s Peanut Butter tulad ng Choco-Peanut Butter, Coco Jam, Aroma Peanut Butter, Seagul Jelly Gem Ice pops ay marami nang mapagpipilian ngayon ang loyal customers nito.