May pera ka ba? Kapag itinanong mo ito kahit kanino, maaaring bigyang ka ng dalawang sagot: ang “Bakit?” at “Wala”. Malamang din na hindi ka makaririnig ng sagot na “Oo” at “Meron”. Kung gayon, masasabi natin na ang higit na nakararami sa atin ay walang pera. Kung may katotohanan man ito o hindi, nasa iyo na kung maniniwala ka. Ngunit kung totoo ngang wala kang pera, malamang na wala kang trabaho o kung may trabaho ka man, hindi sapat ang iyong sinasahod o talagang hindi ka lang marunong humawak ng pera. May kinalaman iyon sa iyong pagdedesisyon sa larangan ng pananalapi.

Sa totoo lang, mahinap magdesisyon kung kakaunti ang iyong pera. Ngunit kung talagang wala pera ang isang tao, may ilang habits na lalong nagpapalala sa situwasyon. Narito ang ilang pagkakamali na ginagawa natin kung minsan kapag wala tayong pera:

  • Ginagastos mo agad ang perang kapapasok lang sa bulsa. – Madaling idahilan na “Ang tagal ko nang walang pera kaya ibo-blowout ko naman ang aking sarili”. At kapag malaki ang perang tinanggap – mula sa tax refund o company bonus – agad-agad na nagtutungo kung minsan tayo sa mall o sa shopping center at nilulustay natin ang perang iyon sa halip na pantustos sa mga praktikal na bagay o ihulog sa bangko. Hindi ito ang tamang gawi tungo sa malaking perang natanggap.
  • National

    4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

  • Pagbili-bili ng maliliit na items. – Kapag wala kang pera, ang maliliit na amount ay mahalaga. Ang bawat pagpunta mo sa tindahan o sa convenience store para bumili ng sitsirya, halimbawa, ay lumalaki rin ang iyong ginagastos kapag sinuma mo. Siyempre mas mahal ang items sa convenience store kaysa sari-sari store.
  • Ang mangutang. – Isa sa mga hindi mo gagawin kapag wala kang pera ay ang mangutang. Kung maliit ang iyong suweldo, mas mahirap magbayad ng utang (lalo na sa credit card). Bibigyan mo lang ng malaking problema ang iyong sarili kapag nangutang ka na wala ka namang ibabayad. Iwasan mo ring kumagat sa mga alok ng mga nagpapautang dahil kung susumahin mo ang iyong ibinabayad na interes, halos doble ang iyong ibinabayad.

Sundan bukas.