Walang katotohanan na binayaran ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaya isinauli ang 16 sa 44 baril ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay MILF spokesman Mahagher Iqbal na negatibo ang isiniwalat na akusasyon ni Fr. Eliseo “Jun” Mercado na binili ng gobyerno ang mga armas ng PNP-SAF upang ibalik ng MILF ang ilan sa mga ito.

Sinabi ni Iqbal na walang basehan at malisya ang akusasyon sa kanila matapos na isauli nila ang mga armas noong Pebrero 18, 2015.

Kamakailan ay ibinunyag ni Fr. Mercado, ang director ng Institute for Autonomy on Governance (IAG) na isang organisasyon na aktibo sa peace advocacy sa Mindanao, na binili ng gobyerno ang mga baril na pag-aari ng PNP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang sinasabing ipinambayad na pera ng gobyerno sa MILF at galing umano sa pondo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP)

“Wala pong katotohanan na binayaran ng gobyerno ‘yung mga armas. Kusang loob naming isinauli ito sa gobyerno,” sinabi ni Iqbal.

“Hindi ko po maintindihan kung ano ba ang nasa isip ni Fr. Jun kaya niya nasabi ang mga bagay na ito,” dagdag ni Iqbal.

Dahil dito, nanawagan si Iqbal sa publiko na huwag nang gatungan ang tensiyon sa naging resulta ng Mamasapano incident dahil makasasama lamang ito sa pag-uusap ng gobyerno at MILF.