Ipinagdiriwang ngayon ng Estoniya ang kanilang National Day na kilala bilang Eesti Vabariigi Aastapaev in wikang Estonian. Kabilang sa selebrasyon ngayon ang mga party, palaro, parada ng Estonian Defense Forces, at fireworks. Sa isang masayang Independence Day reception kung saan bibigyan ng parangal ng estado ang piling mamamayan na karaniwang inoorganisa ng Pangulong Estonia.
Isang estado sa Baltic Region, ang Estonia ay nasa hangganan sa kanluran ng Baltic Sea, sa hilaga ang Gulf of Finland, sa silangan ang Russian Federation, at sa timog ang Latvia. Ang gobyerno ay democratic parliamentary republic at ang bansa ay nahahati sa 15 bansa. Sa populasyon na mahigit 1.34 milyon, ang Estonia ay isa sa kakaunting bilang ng mamamayan na miyembro ng European Union. Tallin ang kapital ng bansa at pinakamalaking lungsod.
Ang Estonia ay miyembro ng iba’t ibang international organization, kabilang ang United Nations, ang European Union, ang Organization for Security and Cooperation in Europe, at ang North Atlantic Treaty Organization. Kilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahigpit na kaugnayan sa mga bansang Nordic, partikular na ang Finland at Sweden.
Inilalarawan bilang Baltic Tiger dahil sa palagian nitong pagkakaroon ng mataas na paglago ng ekonomiya, ang Estoniya ay itinuturing ng World Bank bilang isang high-income country. Noong 2014, iniranggo ang bansa bilang ika-11 sa Index of Economic Freedom at ikaapat sa pinakamalalayang ekonomiya sa Europe. Ang economic growth ng Estonia ay nasa 2.7% sa last quarter ng 2014. Ang mahalagang tagaambag sa paglagong ito ay ang manufacturing, ang pinakamalaking aktibidad sa ekonomiya ng Estonia. Ang paggawa ng kahoy at electronics ang sumasaklaw sa pinakamalaking positibong kontribusyon sa pagdami ng manufacturing.
Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Estonia sa pangunguna nina Pangulong Toomas Hendrik Ilves at Prime Minister Taavi Rõivas, sa okasyon ng kanilang Independence Day.