NATAMO nina Gretchen Baretto at Arnold Reyes ang dalawa sa pinakamatataas na parangal sa katatapos na 13th Gawad Tanglaw Awards (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw).

Pinarangalan bilang Best Supporting Actress si Gretchen para sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang psychologist na nagkumbinsi sa kanyang asawang abogado na tulungan ang isang mentally-challenged na estudyante na inakusahang nanggahasa sa kanyang guro, sa pelikulang The Trial.

Ipinagkaloob naman kay Arnold ang President’s Jury Award for Excellence (Theatre, Television, and Film). Kilala siya sa mundo ng showbiz bilang ‘the ultimate actor’ dahil sa kanyang pagpapamalas ng angking galing sa pag-arte sa mga stage play, palabas sa telebisyon, at sa pelikula (sa indie at sa mainstream).

Sina Gretchen Baretto at Arnold Reyes ay kapwa nasa kuwadra ng Backroom, Inc. na maaaring makontak sa [email protected].
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino