Diether-Ocampo-copy-403x500

LUMANTAD si Diether Ocampo pagkatapos maglabasan ang mga alegasyon na kesyo hindi niya nasusuwelduhan ang staff ng kanyang indie film production. Sa ABS.CBN-Push.Com, nagpaliwanag ang aktor tungkol sa usaping pinansiyal maging sa kanyang suppliers.

Nagpadala naman siya ng statement sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, at sinabing he’s taking the full responsibility sa mga nangyari.

Ayon sa kanyang statement, “As the executive producer of Tandem Entertainment, I take full responsibility. There are matters beyond my control that led to this predicament. I will never run away from my responsibilities.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatakdang makipag-meeting si Diet sa kanyang mga staff para resolbahin ang problema.

“I treasure the people behind the project and I would not allow them to suffer. I assure the staff that I will give them what is due them,” sabi pa niya sa pahayag.

Samantala, mayroong production staff si Diether na lumantad (pero ayaw magpakita sa camera) na nagsabing  may pagkakautang na milyones ang aktor sa kanyang mga tauhan.

“Actually nagbigay siya sa ibang mga staff ng post-dated check last January. Naka-date ‘yun ng February 10. Pero noong ‘yung iba nagpapalit na, hindi daw napondohan. All in all, siguro mga milyun-milyon ang utang ni Diet sa aking estimate,” sabi nito.

May ilang staff naman daw na nakatanggap ng suweldo, pero karamihan ay ‘nganga’ pa rin.

“Yung ibang staff, hanggang second downpayment pa lang ang nare-receive and the other staff, wala pa talaga. ‘Yung mga huling pumirma ng kontrata, kahit piso walang na-receive,” matapat naming pag-amin ng aktor.

Umaasa ang ilan sa kanyang mga staff na kahit lumabas ang problema sa  social media ay maaayos ito sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kanilang takdang pag-uusap-usap.

“Sana as soon as possible, ma-resolve ‘yung problema na ito kasi sobrang tagal na. Hindi rin naman kami ganu’n kayaman para basta na lang i-give up ‘yung utang niya sa amin,” say pa ng nagsalitang staff.