Isang bata ang namatay makaraang hindi makalabas sa kanilang bahay na sinunog umano ng sarili niyang ama sa Barotac Nuevo, Iloilo noong Linggo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog sa Barangay Cabilawan, Barotac Nuevo.

Hindi kinilala ng BFP ang walong-taong gulang na biktima na nagtamo ng third degree burns at namatay habang ginagamot sa Western Visayas Medical Center.

Lumitaw sa imbestigasyon ng BFP-Arson Division na ang mismong ama ng biktima, na nakilala lang sa pangalang Wenceslao, 48, ang suspek sa insidente.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Nabatid na lasing umano ang suspek nang sipain nito ang gasera hanggang sa sumiklab ang malaking apoy na tuluyang tumupok sa buong bahay.

Nagawa namang makalabas ng bahay ng mga kapatid ng biktima, na noon ay himbing na natutulog.

Napag-alaman na hiniwalayan ng asawa ang suspek dahil madalas umano itong saktan ng suspek kapag nalalasing.

Nakapiit na sa himpilan ng Barotac Nuevo Municipal Police ang suspek at inihahanda na ang kasong arson laban dito.