Patay ang dalawang sakay sa motorsiklo, kabilang ang isang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang sugatan naman ang dalawang angkas sa salpukan ng motorsiklo sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Matinding pinsala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng driver ng Honda XRM motorcycle (IA-1263) na si Joey Ramos, 43, may asawa, kawani ng AFP at stay-in sa barracks sa Taguig City; at Jessie Manalo, 25, ng Cupang Muntinlupa City, na nagmamaneho naman ng bagong SYM motorcycle.

Dinala naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga nasugatang sina Edgardo Soria Jr., 20, binata, ng Barangay Sto. Cristo, Maria Aurora, Aurora Province; at Eric Cawaling, 29, empleyado ng SM Bicutan at nakatira sa Cupang, Muntinlupa City.

Sa natanggap na ulat ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Ariel Andrade, dakong 3:00 ng umaga nang salpukin ng SYM motorcycle ni Manalo, kaangkas si Cawaling, ang Honda XRM na minamaneho ni Ramos, na angkas naman si Soria.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Nakalagak ang mga labi nina Ramos at Manalo sa Royalty Funeral Morgue.