Sa matapat na hangaring makapagbigay ng tulong, suporta at pagsasanay sa mga magiging mag-aaral sa itinatayong Antipolo Institute of Technology (AITECH) sa larangan ng construction management in engineering and technology, lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Pamahalang Lungsod ng Antipolo sa isang Memoramdum of Understading (MOU). Sa pamamagitan ng Construction Management Development Foundation (CMDF), isa sa mga ahensiya ang DTI, mabibigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral para maging construction industry leader. Kabilang sa kasunduan sa MOU ay ang pagbibigay ng CMDF ng apprenticeship sa mga estudyante ng AITECH na makapagbibigay sa kanila ng katiyakang trabaho sa construction industry.

Ang paglagda sa MOU ay ginanap kamakailan sa Antipolo City Hall. Ang paglagda ay ginawa nina Antipolo City Mayor Jun Ynares lll at DTI Undersecretary Prudencio M. Reyes, Jr. Kasama sa paglagda sa MOU sina Dr. Erlinda C.Pifianco, dating Secretary ng Department of Education at pangulo ngayon ng AITECH at ni Engineeer Menguita, chairman ng Construction Management Development Foundation.

Sa bahagi ng pahayag ni DTI Usec Prudencio M. Reyes Jr, sinabi niya na nagagalak siya sa pagkakaroon ng ng isang institusyon sa larangan ng construction industry at pagbibigay ng Antipolo City Government ng scholarship grant sa mga kabataang kapos-palad na naghahangad na maging engineer. Malaking tulong ito para sa ating economic development ang makapag-produce ng mga construction industry engineeer na globally competitive. Ang scholarship ay kailangan ng mga mahihirap natin kabataan. Natutuwa rin si DTI Usec Reyes sapagkat ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ay may ganitong bihirang programa sa edukasypon para sa mga estudyante. Naniniwala siya na ang programa sa edukasyon ng Antipolo ay gagayahin ng ibang mga local government unit.

Ayon naman kay Antipolo City Mayor Jun Ynares lll, sa programa sa edukasyon na isa sa mga prayoridad niya sa pamamahala bukod sa kalusugan ay umaabot na sa P40 milyon ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo para sa edukasyon ng kanilang mga scholars.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3