Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na may sapat pang panahon upang isagawa ang recall elections laban kina Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, tiwala silang matutuloy pa ang recall elections dahil halos kumpleto na ang pagpoproseso sa dalawang petisyon, partikular ang paglalathala sa mga pahayagan at beripikason ng mga dokumento.

Aniya, ang petisyon laban kay Alvarado ay nailathala na habang ang beripikasyon sa petisyon laban kay Bayron ay magsisimula na sa Pebrero 28.

“Once verification process gets done, we still have a lot of time. We still have over two months. We just need to finish the verification process first,” pahayag ni Jimenez.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Kumpiyansa kami na magagawa ito bago ang one year ban sa Mayo,” dagdag niya.

Nakasaad sa Section 74 ng Local Government Code na walang idaraos na recall election isang taon bago ang lokal na eleksiyon.

Sa ilalim ng recall process, maaaring ihain ang petisyon nang hindi bababa sa 25 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa isang local government unit at ito ay dapat munang aprubahan ng Office of Election Officers (OEO), Office of the Deputy Executive Director for Operations, at Comelec en banc.