Naiintindihan namin sila.

Ito ang tugon ng Malacañang sa sentimyento ng ilan sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na naiintindihan nila kung “kakaiba” man ang paraan ng ilang kapamilya ng SAF sa pagpapaabot ng kani-kanilang hinaing sa Pangulo.

“Owing to the fact that their loss is very, very fresh and that they lost their loved ones in such a manner, we would understand,” sabi ni Valte.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Nilinaw din ng Malacañang na may iba namang pamilya na tahimik lang pero ito ay dahil gusto nilang manatiling tahimik at wala silang galit o sama ng loob sa Pangulo.

“So at this point, we respect the differentiation of how he was received,” ani Valte.

Ang pahayag na ito ng Malacañang ay kasunod ng mga ulat na naging mainit ang muling pakikipagtagpo ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa ilan sa mga naulila ng SAF 44.

Itinanggi naman ni Chief Supt. Generoso Cerbo, hepe ng Public Information Office, na nakasigawan o nataasan ng boses ng Pangulo ang ilang kaanak ng mga nasawing pulis.