Nitong mga nagdaang araw, tinalakay natin ang tungkol sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag-eehersisyo hindi lamang sa katawan kundi para rin sa isipan. Nalaman natin na maraming pakinabang ang ehersisyo upang maging mas malusog ang ating isipan. Ipagpatuloy natin..

  • Maraming trabaho ang matatapos. – Para ka bang tinatamad magtrabaho? Para bang mabigat ang iyong katawan? Mag-jogging ka, ngayon na. Ipinakikita sa mga pag-aaral na ang mga tao na naglalaan ng regular na oras para mag-exercise ay nagtataglay ng karagdagang enerhiya at mas marami silang nagagawang trabaho kaysa yaong hindi nag-eehersisyo.
  • Mailalabas mo ang iyong pagkamalikhain. – May paniniwala na nagiging malikhain ang tao kapag naka-relax ang isip, kapag nakaupo ka lang at nakatitig sa blangkong papel o screen at nag-iisip kung ano ang gagawin. Ngunit hindi sang-ayon dito ang mga eksperto. Ipinakikita sa pananaliksik na ang isang masiglang cardio-vascular exercise ay maaaring makapag-udyok ng pagkamalikhain. Kaya kapag hinahamon ka ng pagkakataon na mag-solve ng isang problema, huwag mo itong tulugan muna. Sa halip, tumakbo o mag-jumping rope o mag-jogging muna, mag-shower, at saka mo atupagin ang problema. Magiging malinaw ang iyong pag-iisip, hindi agad mapapagod ang iyong utak at mas maganda at iyong matatamo ang mas mainam na solusyon.
  • Magiging mas masaya ka. - Maging basketball man iyon, volleyball o badminton, o zumba class o simpleng pagpapapawis sa gym ang nakahihiligan mong gawin, ang pag-eehrsisyo na kasama ang iba pa ay nagpapaigting ng kumpiyansa sa sarili at lahat ng tinalakay natin sa artikulong ito - ang paglaban sa depresyon at kalungkutan, ang pag-iwas sa adiksiyon at pagkapurol ng isipan at nagpapababa ng stress levels.

HIV cases sa bansa, pumalo na ng mahigit 4,000 sa 1st quarter ng 2026!

Kapag maaliwalas ang iyong pag-iisip bunga ng mga kemikal na inire-release ng iyong katawan at utak dahil sa pag-eehersisyo, hindi mo iindahin ang mga problema. Magiging mas masaya ka. Kaya mag-ehersisyo araw-araw. At magiging mas masaya ang iyong pag-eehersisyo kung may kasama ka sapagkat lalo kang gaganahan.