Nitong mga nagdaang araw, tinalakay natin ang tungkol sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag-eehersisyo hindi lamang sa katawan kundi para rin sa isipan. Nalaman natin na maraming pakinabang ang ehersisyo upang maging mas malusog ang ating isipan. Ipagpatuloy natin..
- Maraming trabaho ang matatapos. – Para ka bang tinatamad magtrabaho? Para bang mabigat ang iyong katawan? Mag-jogging ka, ngayon na. Ipinakikita sa mga pag-aaral na ang mga tao na naglalaan ng regular na oras para mag-exercise ay nagtataglay ng karagdagang enerhiya at mas marami silang nagagawang trabaho kaysa yaong hindi nag-eehersisyo.
- Mailalabas mo ang iyong pagkamalikhain. – May paniniwala na nagiging malikhain ang tao kapag naka-relax ang isip, kapag nakaupo ka lang at nakatitig sa blangkong papel o screen at nag-iisip kung ano ang gagawin. Ngunit hindi sang-ayon dito ang mga eksperto. Ipinakikita sa pananaliksik na ang isang masiglang cardio-vascular exercise ay maaaring makapag-udyok ng pagkamalikhain. Kaya kapag hinahamon ka ng pagkakataon na mag-solve ng isang problema, huwag mo itong tulugan muna. Sa halip, tumakbo o mag-jumping rope o mag-jogging muna, mag-shower, at saka mo atupagin ang problema. Magiging malinaw ang iyong pag-iisip, hindi agad mapapagod ang iyong utak at mas maganda at iyong matatamo ang mas mainam na solusyon.
- Magiging mas masaya ka. - Maging basketball man iyon, volleyball o badminton, o zumba class o simpleng pagpapapawis sa gym ang nakahihiligan mong gawin, ang pag-eehrsisyo na kasama ang iba pa ay nagpapaigting ng kumpiyansa sa sarili at lahat ng tinalakay natin sa artikulong ito - ang paglaban sa depresyon at kalungkutan, ang pag-iwas sa adiksiyon at pagkapurol ng isipan at nagpapababa ng stress levels.