SINGAPORE (AP) – Nasa ospital ngayon si Lee Kuan Yew, ang nagtatag ng Singapore, dahil sa matinding pneumonia, ayon sa Prime Minister’s Office.

Tinanggap si Lee, 91, sa Singapore General Hospital nitong Pebrero 5, ayon sa pahayag ng tanggapan. Bumubuti na ang kanyang kondisyon pero nananatili pa rin siyang nasa mechanical ventilation sa intensive care.

Inihayag ni Prime Minister Lee Hsien Loong, anak ni Lee Kuan Yew, sa Facebook nitong Sabado ang pagbisita niya sa ama.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama