Kaye-Paul-Jake

HABANG sinusulat namin ito ay nasa hospital pa rin si Kaye Abad. Isinugod sa pagamutan dahil sa over-fatigue ang isa sa mga bida ng Two Wives. Inaabot pala kasi ng madaling araw ang taping ng nasabing serye ng Dos!

Kuwento sa amin ng taong malapit kay Kaye, labis ang pasasalamat ng aktres sa mga kasamahan niya sa serye dahil bukod sa pagpapadala ng mga bulaklak ay walang tigil ang mga ito sa pangungumusta sa kalagayan niya.

Pero gustuhin man daw niya ay hindi niya masagutan ang lahat ng nagpapadala sa kanya ng get well soon messages. Sapat na pahinga kasi ang kailangan niya.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

May mga nagtaka naman sa biglang pagkakasakit ni Kaye. Nakita pa kasi siyang masiglang-masigla sa “Two Wives Pasasalamat” mall tour sa Market, Market last Sunday (February 15).

Tiniyak naman ng kausap namin na mabilis makaka-recover at makakabalik ang aktres sa taping ng serye nila.

Bukod sa nakapagpahinga nang husto ay nagawa nang kumain ng marami ng aktres na hindi nito nagagawa noong mga nakaraang araw.

Isa rin sa mga dahilan ng mabilis na recovery ni Kaye ang boyfriend na si Paul Jake Castillo na halos hindi na umuuwi ng bahay dahil laging nasa tabi ni Kaye mula nang isugod ang aktres sa ospital.

Kumpara sa mga dating nakarelasyon ay mas open si Kaye sa relasyon nila ni Paul Jake. Maging sa Instagram account niya ay ipinagmamalaki ng aktres ang relasyon nila, panay ang post niya sa mga lugar na pinupuntahan nila at sweet na sweet silang dalawa sa photos nila.

“Very much in love ‘yan kay Paul Jake. Any day soon ay mabalitaan na lang ninyong magpapakasal na ang dalawang ‘yan,” sey pa ng spy namin.