BUKOD kay Miguel Tanfelix ay ginu-groom ngayon ng GMA Artist Center ang bagets singer-dancer na si Julian Trono na very charming na ang personalidad, in pernes. 

julian-trono-copy-239x300

Sinasanay kasi si Julian sa tinatawag na KPop System. Kaya huwag kayong magtataka kung hitsurang KPop ang bagets kapag napanood ninyo sa Kapuso shows.

Nagtungo sa Korea si Julian para mag-shoot doon ng music video para sa kanyang unang single na Wiki Me. Ginawa ang shoot sa Kimpo College, Arirang, Korea at napanood namin sa YouTube ang TV guesting at interview sa kanya sa sikat na Korean Music Show Champion ng Arirang channel.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama

Hindi na rin kataka-taka kung magkaroon siya ng career doon.

And take note, sa mini-presscon ng GMA Artist Center for Julian ay inurirat ng showbiz reporters ang bagets kung true ba na may love triangle off-cam sila nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.  

“Kasi sobrang close kami sa Tropang Potchi (TV show na pinagsamahan nila dati). Of course, sobrang dami naming pinagsamahan na work, like, even personal, as in sobrang close na din naman kami,” paglilinaw ng bagets. 

Pero lately raw ay hindi sila masyadong nagkakausap-usap.

“Kasi nga, nu’ng pag-alis ko, as in sobrang surprise ‘yun, eh. Hindi rin ako nakapagsabi, so ‘yun,” dagdag ni Julian.

Anyway, wish namin ay maging kasing sikat din ng Gangnam dance ni Psy itong Wiki Me dance music ni Julian Trono at siya na ang pumalit sa trono ni Psy, boom!