Pebrero 23, 1455 nang mailathala ang Gutenberg Bible, ang unang mass-produced book sa Europe. Inimprenta ang mga kopya ng sagradong libro sa isang printing press na mayroong movable metal type.

Ang nasabing printing type, na imbensiyon ni Johannes Gutenberg (1398-1468), ay binubuo ng mga metal alloy-based block na may mga titik at simbolo na madaling isaayos, at ginagamitan ng tinta.

May kakayahan itong mag-imprenta ng mga teksto na may magandang kalidad, taliwas sa naunang paraan ng pag-iimprenta ng mga Chinese. Bago mabuo ang printing press ni Gutenberg, ang mga libro ay manu-manong sinusulat-kamay, at nabibili lang ng mayayaman at mga makapangyarihang tao.

Nanatiling matatag ang nasabing printing press sa sumunod na apat na dekada.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ayon sa mga historian, ginawa ni Gutenberg ang bersiyon ng Bible na may 180 kopya ang naimprenta noon lang 1455.