“We are not at war with Islam,” sabi ni United States President Barack Obama sa mga delegado mula 60 bansa sa White House summit noong nakaraang linggo hinggil sa paglaban sa radikalismo. “We are at war with people who have perverted Islam,” aniya – sa mga extremista na nag-uudyok sa mga tao sa karahasan, sa mga naghahangad na kaladkarin ang daigdig pabalik sa madilim na panahon.

Nitong mga huling buwan, nakita ng daigdig ang isang serye ng marahas na pangyayari – ang pagpatay sa mga American at British na hostage ng Islamic State sa Iraq, ang pagpatay sa mga editor at karikaturista ng Paris satirical magazine Charlie Hebdo, ang pamumugot sa 21 Egyptian Coptic Christian sa Libya.

Bago iyon, may mga ulat ng kalupitang ginawa sa mga Kristiyano at iba pang minoria sa Syria at Iraq ng mga puwersa ng Islamic State. Labis na nalungkot si Pope Francis sa pagmamaltratong ito ngunit, kasabay rin nito, kinondena niya na ngayon maraming Mulim ang nagdurusa sa pagkakaugnay sa mga ito sa terorismo, kung saan ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan.

Tulad ng inaasahan, sa Mamasapano incident kamakailan ay natatanaw ng nakararami sa daigdig bilang bahagi ng lumalagong larawan ng karahasan dahil ang 44 SAF victim – karamihan pinatay sa brutal na paraan – ay halos nagmula sa Luzon at Visayas, samantalang ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), na nalagasan ng 18 miyembro, ay mga katutubong Muslim ng Mindanao.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Noong nakaraang linggo, isang multinational group na binubuo halos ng babaeng peacemaker, ang Joan Kroc Institute for Peace and Justice sa University of San Diego sa America, ay bumisita sa Kidapawan City sa North Cotabato upang makipagpulong sa mga lokal na opisyal at magsalita sa isang forum. Anila, nagpasya silang bumisita sa Pilipinas, sa kabila ng pagiging ika-7 nito sa listahan ng mga bansang humahaap sa mga isyu ng religous extremism ngayon.

Ang Pilipinas ay nasa gitna ng pandaigdigang suliraning ito sa religious extremism. Ngunit, tulad ng iginiit ni Pangulong Obama, ang giyerang kanyang hangad ay hindi sa relihiyon kundi sa extremismo. Kaya nanawagan siya sa Western at Muslim leaders na magkaisa upang puksain ang huwad na mga pangako ng extremismo. Ito ay isang panawagan na dapat nating tugunan sa sarili nating bansa na mayroon ding extremistang pag-iisip at brutalidad.