Dumulog sa social media ang mga Pinoy sa Amerika upang ireklamo ang Embahada ng Pilipinas sa Washington dahil sa umano’y favoritism.

Habang binabanggit ng ilan ang preferential treatment ng mga kawani ng embahada, may nagbanggit din tungkol sa umano’y “rudeness” at “unprofessionalism” ng mga consular official.

“I know that a system of favoritism works at the embassy,” saad ng isang Facebook user. “All of us who do not know anyone at the embassy have experienced poor service and rudeness from embassy personnel.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naghimutok naman ang isa pang Pilipino kung paano siyang naghintay nang napakatagal sa pila para makapag-renew ng kanyang pasaporte, habang isang dating empleyado na kadarating lang ay agad umanong pinagsilbihan ng embassy personnel.