KevinDurant

OKLAHOMA CITY (AP)– Sumailalim si Kevin Durant sa isang surgery upang maibsan ang pananakit ng kanyang kanang paa at inaasahan ng Oklahoma City Thunder na magbabalik siya bago matapos ang regular season.

Isang turnilyo ang pinalitan mula sa kanyang naging operasyon noong Oktubre para sa isang nabaling buto sa kanyang kanang paa. Sinabi ni Thunder general manager Sam Presti na ang star forward ay muling sasailalim sa evaluation matapos ang isang linggo.

Inilahad ni Presti na ang ulo ng naunang turnilyo ay gumigiling sa cuboid bone ng nasabing paa na naging dahilan ng pananakit. Ang bagong screw ay walang ulo. Sinabi ni Presti na ang bagong hardware ay hindi makakaapekto sa nauna nang positibong long-term prognosis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Durant ay nakapaglaro lamang sa 27 laban ngayong season dahil sa napinsalang paa, sprained right ankle at sprained left big toe. Sinabi niyang namaga ang kanyang kanang paa matapos ang kanilang laro noong nakaraang Huwebes laban sa Dallas.

‘’Yeah, it’s tough, but I’ll figure it out,’’ aniya. ‘’Just got to get through it, keep getting treatment, and talk to trainers tomorrow to see what we can do to make it better.’’

Sinabi ni Presti na normal lamang na makaramdam ng discomfort matapos ang surgery, ngunit dapat itong mawala matapos gumaling ng buto. Sa halip, nagdagdagan pa ang sakit. Sinubukan ng koponan na pamahalaan ang pamamaga, ngunit nabigo. Nakipag-usap ang koponan sa orihinal na surgeon at kumuha ng second opinion bago magdesisyon sa gagawin.

Nilinaw ni Presti na walang bagong injury sa nasabing paa.

‘’While he’s on the floor and playing through the soreness, he’s in no way putting at risk the initial injury,’’ saad ni Presti. ‘’Otherwise, he would not have been on the floor.’