SA Facebook account ng dating matinee idol namin nakumpirma ang nakarating na tsika sa amin na may problema siya sa kalusugan.

Sa totoo lang, grabe ang hitsura ng dating matinee idol na kapanta-pantasya pa naman noon. Hindi nga namin siya agad nakilala kung hindi pa namin siya nakausap mismo. Inamin naman niya agad sa amin na epekto raw iyon ng sobrang paggamit ng steroids.

“Ang dati kong katawan na alagang-alaga ko nang husto, eh, bumagsak talaga at ngayon nga, eh, halos buwan-buwan nagpapatingin ako sa doktor. Kailangan ko kasi, hindi para maibalik ‘yung dating pangangatawan ko kundi para mawala ang mga nararamdaman kong pananakit sa iba’t ibang parte ng katawan ko,” sey sa amin ng former matinee idol.

Sa kuwentuhan naming iyon ay binuksan na rin ng naturang dating matinee idol ang sama ng loob niya sa dating may hawak ng career niya sa network na dating kinabibingalan niya.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“Sinasabi niya sa akin na may isang gagawin daw akong teleserye. Siyempre, hinintay ko ‘yun pero later natuklasan ko na ibinigay pala niya ‘yun sa bago niyang alaga.

“Sumama talaga ang loob ko sa kanya, kaya naging dahilan din kung bakit napabayaan ko nang husto ang katawan ko,” sey ng aktor.

Ang dating matinee idol ay isa sa mga alagang-alaga noon ng isang TV network.