MIAMI (AP)– Wala pang isang linggo nang sabihin ni Chris Bosh kung gaano siya kasabik na magbalik sa sariling bakuran at paikutin ang kapalaran ng Miami Heat.

Ang kanyang pokus ay mapupunta sa isang mas importante sa ngayon.

Tapos na ang season para sa All-Star forward, nang ianunsiyo ng Heat kahapon na may nakitang pamumuo ng dugo sa isa sa kanyang baga. Ang problema, kung hindi ito nakita agad, ay maaring ikamatay ng 30-anyos na si Bosh, na matagal nang iniinda ang pananakit sa kanyang tagiliran at likuran.

‘’He was able to get in front of it early,’’ sabi ni Heat guard Dwyane Wade. ‘’That’s the good thing that helps all of us sleep at night.’’

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng koponan na si Bosh ay ‘’is receiving care under the guidance of Miami Heat team physicians’’ sa isang ospital at idinagdag na ‘’his prognosis is good.’’

Optimistiko si Heat coach Erik Spoelstra tungkol sa recovery ni Bosh. Natanggap ng koponan ang balita kahapon, ayon kay Spoelstra, at tinanggap ang mga paglilinaw matapos ang nakababahalang ilang araw.

‘’His health will be restored,’’ ani Spoelstra bago ang laro ng Miami kontra sa New Orelans. ‘’That’s the most important thing. That’s bigger than basketball.’’

Binisita nina Spoelstra at Wade si Bosh noong Sabado.

‘’It’s been very emotional for all of us,’’ saad ni Spoelstra. ‘’I was in constant contact with CB. But he didn’t know either until they were able to go through all the tests and see all the specialists. I can’t imagine how tough it was for Chris and Adrienne.’’

Si Bosh ang ikalawang player na ang huling game ngayong season ay ang All-Star Game. Si Carmelo Anthony ng New York ay ‘di na maglalaro dahil sa knee surgery, isang hakbang na matagal nang inaasahan.

Si Bosh ay nag-average ng 21.1 puntos at 7 rebounds para sa Heat ngayong season, ang una sa kanyang five-year deal na pinirmahan noong nagdaang summer na magbabayad sa kanya ng $118-milyon.