KALIBO, Aklan - Naghahanda na ang pamahalaang panglalawigan ng Aklan sa inaasahang dagsa ng mga turista sa isla ng Boracay sa Malay sa tag-araw.

Ayon kay Gov. Florencio Miraflores, inaasahang magiging record-breaking ang summer sa isla dahil pinakamarami ang turistang dadagsa sa kasaysayan ng Boracay para sa mga international event na idaraos dito.

Unang idaraos sa Boracay ang pulong ng 11 Supreme Court justice ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa ASEAN Integration, na susundan ng Kuwaresma—ang panahong dinadagsa ng milyong turista ang isla.

Sa Mayo ay malaki ring selebrasyon sa isla ang Labor Day, at sa huling linggo ay sa Boracay din idaraos ang dalawa sa ministerial meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte