Namatay ang isang bilanggo makaraang aksidenteng mahulog sa pagkakaupo sa itaas ng isang double-deck na kama habang nanonood na telebisyon sa loob ng piitan ng Polomotok sa South Cotabato, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni JO2 Rommel Sodusta, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Polomolok, ang nasawi na si Faberan Ugan.

Batay sa pagsisiyasat ng Polomotok Municipal Police, nakaupo sa ibabaw ng double-deck bed si Ugan at masayang nanonood ng telebisyon nang aksidenteng mahulog ito.

Ayon sa pulisya, tumama ang ulo ni Ugan sa rehas na bakal sa selda na nagdulot ng matinding head injury at naging dahilan ng kamatayan nito.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ni Ugan.