Apat na katao ang nasugatan sa pagsabog ng granada habang idinaraos ang isang bikini open contest sa Pangantuca, Bukidnon, nitong Sabado ng hapon.

Pansamatalang pinigil ang bikini contest matapos ang pagsabog ng granada sa Barangay Bangahan.

Sa imbestigasyon ng Pangantuca Municipal Police, nasugatan sa shrapnel sina Alberto Acanan, Jennifer Candila, Ric Ric Palma at Rolando Merto.

Nabulabog ang lahat na dumalo sa paligsahan kaya kinansela na ng mga organizer ang patimpalak.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang bikini contest bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Bgy. Bangahan.

Inaalam pa ng pulisya kung anong uri ng granada ang ginamit sa pagpapasabog at ang mga responsable sa insidente.