Nakipagtagisan ng galing at talento ang Bacolod MassKara Festival ng Pilipinas kontra sa 10 iba pang popular na grupo sa buong mundo sa ginanap na 2015 Cathay Pacific International Chinese New Year Night Parade sa Lam Tsuen Wishing Square, Hong Kong kamakailan.

Ang Pilipinas ay iprinisinta ng MassKara dancers na mula sa Barangay Granada kung saan ay kinikilala ang lugar bilang “Bacolod City’s famous smile,” bukod pa na ang MassKara Festival ay kinikilala sa buong mundo bilang “Pearl of the Orient.” Ang bansa ay eksklusibong inimbitahan para makalahok sa nasabing aktibidad.

“We are so honored, not just for the City of Bacolod, but for the entire Filipinos, as we represents our own country Philippines, as against the best if not the most popular festivals around the world,” sinabi ni dating Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at ngayon ay Bacolod City Mayor na si Monico Puentevella.

Ang grupo, na nagwagi sa nakaraang taong MassKara Street Dance Open Category Competition, ay kinagiliwan sa kanilang pagpapakitang husay at galing sa loob ng itinakdang 20 minutong performance.  

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakasagupa ng Pilipilas-Bacolod Masskara ang The Divas mula sa France, Cultural Dance Group ng Japan, Gambler Crew ng Korea, Ballerinas Stilt Walkers Teatro Pavana ng Netherlands, The Brass Band of Moscow Cadet Music School ng Russia, The Waves Dance Group ng Spain, Exotica ng St. Lucia, Cultural Dance Group ng Taiwan, ang Miami Heat Cheerleaders at New England Patriot NFL Cheerleaders ng Estados Unidos.

Nagpakitang-gilas din ang 11 lokal na performing groups ng Hong Kong na binubuo ng Trickstation (Sports Tricks), Avonmagic & Entertainment (Magic), Shelly Lo Jazz ang Ballet School (Ballet Dance), Hong Kong Cheung Keung Martial Arts Association (Lion Dance), Hong Kong Rope Skipping Academy (Sports), Tung Cheng Yuen Lam Tong Charitable Foundation (Giant Costume), Future Stars Dance Academy, Jean Wong School of Ballet (Dance Group), Hong Kong Vigor Marching Band, Hong Kong Chinese Martial Arts Dragon and Lion Dance Association at ang Infinity Dance Studio.

Nakasama ng MassKara dancers sina Barangay Granada Captain Alfredo Talimodao, Department of Tourism (DOT) Region 6 Director Atty. Helen Catalbas, City officials Councilor Alex Paglumotan, Archie Baribar, Noli Villarosa, El Cid Familiarn at si Puentevella.