Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3 pm Globalport vs. Blackwater

5:15 pm Purefoods Star vs. Ginebra

Makabangon sa natamong dalawang sunod na kabiguan at makamit ang solong ikatlong posisyon ang tatangkain ng defending champion Purefoods sa pagsalang nila kontra sa sister team na Barangay Ginebra San Miguel sa pagpapatuloy ngayon ng eliminasyon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magtutuos ang Star Hotshots at ang Gin Kings sa tampok na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalo sa ngayon ng Hotshots ang Rain or Shine sa third spot  matapos dumanas ng dalawang dikit na kabiguan matapos ang unang apat na tagumpay.

Inaasahang ipaparada ng Hotshots ang kanilang ikatlong import ngayong mid season conference at dati nilang import nang magkampeon sila sa Commissioner’s Cup noong 2012 kontra sa Talk ‘N Text na si Denzel Bowles.

Dinispatsa ng Hotshots ang ikalawang import at dating NBA player na si Daniel Orton dahil sa nakadidismaya nitong laro nang matalo sila sa kamay ng Kia Carnival noong Miyerkules at sa inasal nito pagkaraan ng laban na umani ng negatibong feedback sa fans at multang P250,000 sa PBA.

Hindi lamang ang liga at officiating ang tinuligsa ni Orton sa kanyang naging pahayag matapos ang 84-95 pagkatalo Purefoods sa Kia kundi maging si Kia playing coach Manny Pacquiao.

Sa panig naman ng Kings, maghahabol din ang mga ito upang makabalik sa win-column at makakalas at umangat mula sa kinalalagyang ikaanim na posisyon na hawak ang barahang 2-3 (panalo- talo, kasalo ang Alaska.

Una rito, matamo ang ikaapat na panalo at ang kanilang ikalawang back-to-back wins ngayong conference ang hangad ng Globalport sa pagharap nila sa Blackwater sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Inspirado sa ipinakikitang pamumuno at magandang laro ng bagong import na si Calvin Warner, tatangkain ng Batang Pier na tumatag sa solong ikalimang puwesto habang target naman ng katunggaling Elite na mapasakamay ang inaasam na ikalawang panalo para makisalo sa kapwa expansion team na Kia sa ikapitong puwesto sa pamumuno ni Gilas naturalized center Marcus Douthit.