Sinuportahan kahapon ni Senator Ralph Recto ang panawagan ng kanyang mga kapwa mambabatas na tumatanggi sa mga apela na magbitiw na sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III, at hiniling sa mga kritiko ng gobyerno na pahintulutan ang presidente na ipatupad nang lubos ang maayos nitong pamumuno at mga reporma.
Kumpiyansa si Recto na ang mga nasabing panawagan “will not get traction” dahil sa susunod na taon na ihahalal ng mga Pilipino ang papalit kay Aquino.
Una nang tinanggihan ni Senator Aquilino Pimentel III ang paghimok ni Sen. Ferdinand Marcos na magbitiw na lang sa tungkulin ang Pangulo.