Nagboluntaryo ang manage-ment ng Hapee na tumayong pangunahing tagapagtaguyod ng national men’s basketball team na sasabak sa darating na Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo.

Mismong si Lamoiyan Corporation owner Cecilio Pedro ang nagsabing handa silang maging sponsor ng national men’s basketball team para sa biennial games.

“We are willing to sponsor the SEA Games team in June,” pahayag ni Pedro sa ilang mga mamamahayag na nakausap matapos angkinin ng kanilang koponan ang titulo ng katatapos na PBA D-League Aspirants Cup.

“I already mentioned it to SBP,” dagdag pa nito sa kanilang intensiyon na muling makatulong sa national team.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkakataon na tatayong sponsor ang Hapee sa national team.

Una na silang sumuporta sa dating delegasyon ng bansa noong 1988 Seoul Olympics at 2002 Busan Asian Games at sa national basketball team noong 2007 SEA Games sa Thailand.

Isa pang hangad ng Hapee ay upang hindi sila mapasubo sa kanilang commitment na maglaro sa D-League dahil na rin sa ilang players nila ang napili para sa national pool kung saan pipili si national coach Tab Baldwin ng magiging miyembro ng SEA Games squad na kinabibilangan nina Garvo Lanete, Aspirants Cup MVP Bobby Ray Parks, Scottie Thompson, Troy Rosario at Arnold Van Opstal.

“So that the national team players will be able to practice with the other players in the team at hindi ma-compromise yung effort namin sa D-League,” ani Pedro na tinutukoy ang season ending Foundation Cup ng liga na gaganapin sa Marso hanggang Hunyo.