TAYTAY, Rizal - Isang 33-anyos na lalaking gumagamit umano ng shabu ang naaresto matapos pasukin at pagnakawan ang isang bahay sa Barangay May-Iba sa Teresa, Rizal, kahapon.

Ayon sa report ng Taytay Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang naaresto ay si Randy Sison, ng Bgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Nakuha ng pulisya mula kay Sison ang isang kitchen knife, isang cutter, isang screw driver, isang plastic sachet ng shabu, isang aluminum foil na may latak ng shabu, isang LG flat 21-inch TV, at mga barya na umaabot sa P300.

Ang TV na tinangay ni Sison ay pag-aari ni Moses Mieandan, 27, ng E. Rodrigues Street, Bgy. May-Iba, Teresa, Rizal.
National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara