Natupok ng apoy ang Marina Torch, isang 79-palapag na gusali sa Dubai at isa sa pinakamatataas sa mundo, kahapon ng umaga. Base sa ulat ng English-language na Gulf News, daan-daang katao ang nagsilikas mula sa gusali.

Ayon sa residenteng si Kathryn Dickie, nagsimulang tumunog ang mga fire alarm sa gusali dakong 2:00 ng umaga. Sa ika-13 palapag siya tumutuloy.

Walang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente. - Yahoo News
National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox