Inaaasahang dadagsain ang 29th Caracol Festival of Makati dahil sa pangunahing atraksiyon nito—ang dance competition na katatampukan ng mga batang performer suot ang mga makatawag-pansin at nature-inspired costume sa saliw ng mataginting na musika.

Sinabi ng Makati Public Safety Department (PSD) na isasara sa motorista ang Hipodromo Street mula Liwayway Street hanggang A.P. Reyes, gayundin ang A.P. Reyes St. mula J.P. Rizal patungong Pascua.

Ayon kay PSD chief Hermenegildo San Miguel, ang mga nasabing lugar ay pagdarausan ng assembly at parade ng daan-daang partisipante bago pumasok sa Circuit Makati grounds para sa main event ng pagdiriwang—ang dance competition.

Ilang bahagi ng mga kalsada na malapit sa Hippodromo Street ang isasara rin, partikular ang Liwayway, Sampaguita, Kakarong, Zapote, Hiwaga at Economia.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon kay San Miguel, tanging ang entrada sa Circuit Makati malapit sa Taliba Street sa kanto ng Hippodromo ang bubuksan sa publiko. Tanging ang event organizers, mga partisipante at special performers lang ang papayagang dumaan sa iba pang gates.

Ang mga sasakyan sa dumaraan sa J.P. Rizal patungong Taft Avenue ay didiretso lampas ng A.P. Reyes Street sa halip na kumanan. Ang mga patungo naman ng EDSA/Guadalupe ay maaaring dumaan sa Kalayaan Avenue, na bubuksan para sa two-way traffic. Ang mga jeepney na may rutang Mantrade-Libertad-PRC mula sa Pasong Tamo Extension ay kakaliwa sa J.P. Rizal bago kumaliwa sa Pasong Tirad patungo sa kanilang destinasyon.

Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta at iwasan ang staging areas upang maiwasang maantala. Ipakakalat ang mga PSD (MAPSA) personnel habang isinasagawa ang event upang umayuda sa mga motorista sa mga apektadong lugar.

Para sa assistance, ang PSD hotlines at 819-3270/71 at 843-7294.