Ito ang pangatlong bahagi ng ating artikulo tungkol sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang exercise para sa kalusugan ng isipan. Ipagpatuloy natin...

  • Iwasan ang pagkabalisa. - Ayon sa pag-aaral, ang 20 minutong jogging ay mas mainam na pampahupa ng pagkabalisa kaysa paliligo ng maligamgam na tubig. Ang tinatawag na “happy chemicals” na nire-release habang at pagkatapos ng ehersisyo ay nakatutulong sa pagkalma na hindi natatamo sa paliligo sa maligamgam na tubig. Upang mabawasan ang iyong sensitivity sa pagkabalisa, sige mag-treadmill ka o mag-jumping rope mula malumanay hanggang malakas na intensity.
  • Palakasin ang iyong brain power. – May iba’t ibang pag-aaral ang isinagawa hinggil sa epekto ng cardiovascular exercise sa mga daga at tao ang nagpapatunay na ang ehersisyo ay aktuwal na lumilikha ng bagong brain cells (kilala rin sa tawag na neurogenesis) habang pinaiigting ang pangkalahatang performance ng utak.
  • National

    Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

  • Labanan ang adiksiyon. - Hindi na mahalaga kung sa anong bagay ka, pareho rin naman ang epekto. Natural na sa utak natin ang mag-release ng dopamine (ang neurotransmitter na nagpaparamdam sa atin ng kasiyahan) kapag bumigay tayo sa ating adiksiyon. Maaari itong drugs, shopping, pagsusugal, sweets, television at marami pang iba.

Sa drugs, ayon sa mga dalubhasa, kompleto ang pagiging dependent doon ng utak upang makapag-release ng dopamine na lalong nagpapatindi ng adiksiyon. Napatunayan na nakatutulong ang exercise sa pag-recover mula sa adiksiyon. Sa maiigsing exercise session ay maaaring magdulot ng distraction sa kaligayahang dulot ng droga sa pamamagitan ng pagpo-produce ng endorphins sa halip na dopamine. Pinapatay nito ang paghahangad na gumamit ng droga at inilalagay sa ayos ang body clock upang makasumpong ng mahabang pahinga ang isip sa adiksiyon.

 

Tatapusin bukas.