Nagpahayag ng suporta si Las Piñas Mayor Vergel Aguilar sa taunang International Bamboo Organ Festival na idaraos sa St. Joseph Parish Church sa Pebrero 19-27, 2015.

Hinimok ng alkalde ang suporta ng publiko, ng mga Katoliko at ng lahat ng nais na makarinig ng magagandang musika sa nasabing kapistahan.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang Gloria and August Dei mula sa B minor mass ni J.S. Bach (Pebrero 20-22), ang Concert Under the Trees kasama ang Philippine Harmonic Orchestra (Pebrero 21), ang recitals ng kilalang piyanista na si Guy Bovet (Pebrero 23-24) at isang paraliturgy na tinatawag na “exudos” na may musikang para sa Biyernes Santo, Easter Sunday at Pentecost, komposisyon ni Fr. Nic Sengson (Pebrero 6-27).

Sinabi ni Aguilar na ang event ay espesyal na selebrasyon ng anibersaryo para sa ika-40 edisyon nito. Nag-donate ang pamahalaang lungsod ng P300,000 sa kapistahan, samantalam P300,000 rin ang ipinagkaloob ni Senator Cynthia Villar.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Bukod dito, ibibida rin ng kapistahan ang resulta ng 40 taon ng paglikha ng musika ng Bamboo Organ sa pagtatanghal ni Prof. Salarza, titular organist ng bamboo organ at choir master ng Las Piñas Boys Choir, ayon kay Aguilar.